Pinagtibay ng Sandiganbayan ang ipinataw na pagkakakulong sa isang alkalde sa Cebu kaugnay ng iligal na pagtanggap ng honoraria sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), noong 2015.
Ito ay kasunod na rin ng pagkakabasura ng 4th Division ng anti-graft court sa inihaing omnibus motion ni Sibonga, Cebu Mayor Lionel Bacaltos na humihiling na pag-aralan muli ang desisyon ng hukuman at maibasura ang inihaing kaso laban sa kanta dahil sa kawalan nito ng mga elemento ng kasong graft.
Nitong Mayo 17, hinatulan ng korte si Bacaltos na makulong ng walong taon dahil sa paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) kaugnay ng labag sa batas na pagtanggap nito ng honoraria na nagkakahalaga ng P17,512.50 sa PhilHealth, noong Pebrero 2015.
Idinahilan naman ng alkalde, walang hurisdisyon ang anti-graft court na litisin ang kaso nito sa ilalim aniya ng Republic Act 10660 (An Act Strengthening Further the Function and Structural Organization of the Sandiganbayan).
Sa nasabing aniya, saklaw lamang ng mga regional trial court ang kanyang kaso dahil hindi bababa sa P1 milyon ang halagang sangkot sa usapin.
Bukod sa pagkakapiit, pinagbawalan na rin si Bacaltos na magtrabaho sa anumang posisyon sa pamahalaan at pinababayaran din sa kanya ang nasabing salapi.
Ngunit hindi ito binigyang-bigat ng hukuman.
"To the Court, the prosecution evidence sufficiently proves with moral certainty that accused acted with manifest partiality and evident bad faith. He d^ot feign ignorance of the guidelines issued by PhilHealth, which were made known to him. Neither can he claim good faith from his act of returning the mentioned amounts," ayon pa sa ruling ng korte.
-Czarina Nicole Ong Ki