Dalawang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang opisyal ng grupo ng mga jeepney driver matapos ratratin ng riding-in- tandem sa Quezon City, kahapon ng gabi.
Kinilala ang biktima ni PLt. Col. Rodrigo Soriano, hepe ng Masambong Police Station (PS2), na si Ruel Malagueño, 45, PUJ driver, opisyal ng MMJODAI Stop & Go Association at nakatira sa No. 318 Kaganapan St., Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City.
Sa imbestigasyon, nabatid na dakong 8:30 ng gabi, binabaybay ni Malagueño ang bahagi ng North Avenue, sakay ng kanyang na may plakang AFP -7726 patungong north bound nang bigla umano itong dinikitan ng riding-in-tandem at barilin ng dalawang beses sa ulo.
Naisugod pa si Malagueño sa pagamutan ngunit binawian din ito ng buhay.
-Jun Fabon