SA nakaraang episode ng Rated K, ipinakilala ni Kathryn Bernardo sa mga viewers ang kanyang mga alagang aso na sina Cloud, Tala, at Pablito.

Kathryn

Si Cloud ay isang five-year-old Golden Retriever. Si Tala naman, na laging kasama ni Kathryn sa kanyang Instagram stories at photos, ay isang Samoyed, habang si Pablito ay Pomeranian.

Kuwento ni Kathryn, seven lahat ang aso niya pero ang kasama niya sa kuwarto kapag natutulog siya ay sina Cloud, Tala at Pablito.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Kasama ko sila sa room, kasi duwag ako. Sa kama (si Pablito), sa tapat ng aircon ‘yung dalawa.”

Love na love daw niya ang kanyang mga pet dogs.

“Super, I treat them like my own, like my babies,” ani Kathryn.

Maging ang RK host na si Ms. Korina Sanchez ay hindi makapaniwalang nakikipag-lips to lips ang aktres sa kanyang mga alaga at sinusubuan pa niya ang mga ito gamit ang sarili niyang spoon and fork.

“Yes po. ‘Yung spoon and fork ginaganoon ko sila after. Hindi ako maarte ‘pag sa kanila,” proud pang kuwento ni Kathryn.

“Growing up, may mga dogs talaga sa bahay. As in marami,” dagdag pa niya.

Malambot din ang puso ni Kathryn para sa lahat ng aso. Kaya kapag may naaabusong aso ay to the rescue rin si Kathryn.

“May isang location kami, hindi kasi safe kung saan inilagay ‘yung aso. So sinabihan ko ‘yung may-ari.

“Sabi ni Mama, baka ma-offend daw ‘yung may-ari. Pero sometimes kasi kulang sa pagiging responsible po ‘yung mga dog owners po natin,” ani Kathryn.

Kahit pa super-busy ang aktres, may nakalaang oras siya para sa mga alaga niyang hayop.

“Binibigyan ng time. Lahat sila pagdating ko ng bahay sasalubong sila. ‘Yan ‘yung magpapaalis ng stress ko talaga,” ani Kathryn.

Nang mag-shoot rin daw si Kathryn ng almost one month sa Hong Kong para sa pelikulang Hello Love Goodbye ay kinakausap ni Kathryn ang mga doggies niya.

“Ka-Facetime ko sila,” nakakatawang pahayag ni Kathryn.

-ADOR V. SALUTA