IPINOST ng Manila Public Information Office ang courtesy call ng mga Kapuso artists na sina Alden Richards, Mikee Quintos, Jo Berry at Betong Sumaya kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, nitong Martes ng umaga.

Kapuso stars at Mayor Isko

Dumating din sa Manila Mayor’s office si Manila District 3 Congressman-actor Yul Servo. Si Mayor Isko ay dati ring Kapuso actor.

May kinalaman daw ang courtesy call nina Alden sa bagong teleseryeng gagawin ni Pambansang Bae sa GMA Network, na ang magiging location ay ang City of Manila. Untitled pa ang bagong soap ni Alden na nag-story conference na, pero hindi pa rin alam kung kailan sila magsisimulang mag-taping under Direk LA Madridejos.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Malamang tapusin muna ni Alden ang promotion niya ng movie nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye, dahil may mga mall shows pa sila this weekend, bago ang premiere night nila sa July 30 at opening day sa July 31, in cinemas nationwide. Ang pelikula ay binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at Rated PG ng MTRCB.

-Nora V. Calderon