NAGBABADYA ang pagbabalik-showbiz ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Herbert

Nag-join siya sa scriptwriting workshop ni Ricky Lee para madagdagan ang kanyang kaalaman sa pagsusulat ng script pampelikula.

Ang susunod na hakbang para kay Bistek ay ang pagdidirek, at balak niyang gamitin ang pangalan ng kanyang ama na si Herminio “Butch” Bautista.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kabilang sa mga idinirehe ni Direk Butch ang Lo’ Waist Gang noong 1956, na tinatampukan ni Fernando Poe, Jr.

Pumanaw noong Pebrero 2017, bukod kay Herbert ay anak din ni Direk Butch sina Harlene at Hero Bautista, na nagsipag-artista rin.

Sa kasalukuyan, halal na konsehal sa ikaapat na distrito ng Quezon City si Hero.

Hindi na magiging kataka-taka kung sa ilalim ng Heaven’s Best Entertainment, na pag-aari ni Harlene, mangyari ang directorial debut ng dating mayor.

Matatandaang ang Heaven’s Best ang producer ng Rainbow’s Sunset, na Best Picture sa 2018 Metro Manila Film Festival.

-REMY UMEREZ