May 06, 2026

Home SHOWBIZ

Jopay, pinatotohanan kabaitan ng SB19

Jopay, pinatotohanan kabaitan ng SB19
Photo Courtesy: Jopay Paguia-Zamora (FB)

Ibinahagi ni SexBomb Girls member Jopay Paguia-Zamora ang nasaksihan niyang katangian ng all-male Pinoy pop group na SB19.

Ito ay matapos nilang magkaroon ng fangirl moment sa SB19 sa ginanap na Aurora Music Festival kung saan kabilang sa mga nagtanghal ang huli.

Kaya sa latest Facebook post ni Jopay noong Lunes, Mayo 4, pinatotohanan niya ang kabaitan ng mga miyembro ng naturang grupo.

Binubuo ang SB19 nina Josh, Pablo, Stell, Ken (29), at Justin.

“Mahlovessss sorry na agad hehe pero tama kayo mababait sila hindi kayo nagkamali ng inidolo . Salamat sb19,” saad ni Jopay sa caption.

Tsika at Intriga

MUPH official, nilinaw isyu ng paghampas ni Jonas Gaffud sa cellphone dahil sa mic glitch

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"I am glad that I belonged in the generation na pinalaki ng SexBomb at pinatatag ng SB19. "

"idol po kita pero bawal ang singit , pumila ka sa likod"

"Yong nag palaki at pinalaki charroot "

"Nagaantay Ako ng Collab kala ko may paGento Ang sexbomb o spaghetti Ang SB kelan kaya"

"Ate Jopay Paguia-Zamora Official Soon , pwede po ba mag collab ang Sexbomb at SB19 "

"Mas kilig na kilig po siguro si stell nyan Kasi nakita kayo."

"Naol po naka priority lane sa pila. "

"Ok lang po.. pero amin parin po mga yan. LOL" 

Matatandaang minsan na ring inihayag ni Jopay na bukod sa BINI ay papalag din sila ng showdown sa SB19.

Maki-Balita: ‘Bakit hindi?’ Sexbomb papalag sa showdown vs. BINI, SB19