PINURI si Kapuso young actor Migo Adecer ng mga kaharap niyang entertainment press na bumisita sa taping nila ng epic fantaserye ng GMA Network, ang Sahaya.

Si Migo ang bumubuo ng love triangle nina Ahmed (Miguel Tanfelix), Jordan (Migo) at Sahaya (Bianca Umali). Pero ngayon ay nagtatalu-talo na ang mga fans nila na may team Ahmed at team Jordan na. Iba raw ang chemistry nina Sahaya at Jordan, at maraming may gusto na sila ang magkatuluyan sa wakas ng Sahaya.

Ano ang masasabi rito ni Migo?

“Nagulat din po ako na may ganoon pala, at may love team na kami, tinawag na kaming JorSah for Jordan at Sahaya,” sabi Migo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I’m thankful sa kanila, pero I have a different opinion. Gusto ko ang team Sahaya at Ahmed, I like them to be together sa end. Nakita ko kasi ang true love ni Ahmed kay Sahaya sa story, simula pa noong mga bata sila, iyong binabantayan niya si Sahaya, siya pa ang nag-ipon ng pera na ibinili niya ng shoes ni Sahaya dahil dream nito na makapagsuot ng shoes pagpasok sa school.

“Hindi ko rin malimutan iyong scene na hinihintay ni Ahmed si Sahaya sa school, pero naihatid ko na at sinabihan ko pa si Ahmed na ‘wala na siya, naihatid ko na sa house, umuwi ka na.’ At iyong nagparaya siya sa akin dahil mas mabibigyan ko raw ng future si Sahaya, bago siya umuwi ng Tawi-Tawi, ibinilin pa niya sa akin si Sahaya.”

Pero thankful din si Migo sa mga BiGuel fans nina Bianca at Miguel dahil sinabi nilang happy sila na nag-work out din ang chemistry nila ni Bianca.

Natanong din si Migo kung hindi ba sila na-stress nang itapat sila sa Ang Probinsyano ng kabilang network?

“I don’t know, no clues kami na mangyayari iyon, but no pressure on us. Basta we follow the script kung ano ang mangyayari, I think nagugustuhan din naman kami ng mga televiewers.”

Directed by award-winning director Zig Dulay, napapanood ang Sahaya gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

-Nora V. Calderon