ANG ganda ng sinabi ni Sunshine Cruz tungkol sa boyfriend niyang si Macky Mathay, tungkol sa pagiging inspirasyon nito sa kanya.

Sunshine

“Hindi siya distraction, inspirasyon siya,” sabi ni Sunshine tungkol kay Macky.

Naiintindihan daw ng BF niya ang kanyang trabaho, dahil sa sobrang hectic ng schedule niya ay hindi na sila nagkikita.

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

“Nakakapag-usap pa rin naman kami kahit hindi kami madalas magkita.

“Saka, hindi na kami mga teenager para araw-araw magkita at magtawagan.

“Busy din naman siya, we understand each other, kaya happy na ang career ko, happy din ang love life ko,” sabi ni Sunshine.

Isa sa nagpapasaya kay Sunshine ay ang pelikulang Ma lamaya (Color of Ash) na ent r y sa 1 5 t h Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Sabi ng mga nakapanood na ng teaser, mala- Glorious nina Angel Aquino at Tony Labrusca ang pelikula, na pinagtulungang idirek nina Danica Sta. Lucia at Leilani Chavez.

May mga nagsabing dahil sa pagpapaseksi ni Sunshine sa Malamaya ay binalikan na raw niya ang paggawa ng mga pelikulang nagpasikat sa kanya noong 1990s.

Pero depensa ng aktres, mas grabe ang mga ginawa niya sa mga nauna niyang pelikula kumpara sa love scenes nila ni Enzo Pineda sa Malamaya.

“I have two directors na parehong babae. Whatever they asked me to do, I willingly did it because I know that I will be well taken cared of. Dati nga hindi ako nag-inarte, ngayon pa ba?

“The mere fact na Cinemalaya ang project and directed by women, solved na ako. This time, I am being given a chance to show my skills,” pahayag ni Sunshine.

Produced ng Spears Films, ALV Films at Cine Likha ang Malamaya para sa Cinemalaya, na mapapanood sa August 2-13.

Hindi na lang sa C u l t u r a l Center o f the Philippines at sa theaters ng Ayala Cinemas mapapanood ang entries sa Cinemalaya dahil for this year, nationwide na ang showing ng Cinemalaya entries sa selected theatres.

Sa August 6, at 6:15 pm., sa Main Theater ng CCP ang Gala Night ng Malamaya, pero mapapanood na sa August 4, 12:45 pm., sa Main Theater pa rin ng CCP ang movie.

Sa Main Theater din ng CCP ang showing ng movie sa August 9, 9:00 pm, habang ang commercial theatrical showing ng Malamaya ay sa August 14.

May special role si Raymond Bagatsing sa pelikula

-NITZ MIRALLES