June 06, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bebe ni BB? BB Gandanghari, usap-usapan dahil sa kasamang lalaki sa beach

Bebe ni BB? BB Gandanghari, usap-usapan dahil sa kasamang lalaki sa beach
Photo courtesy: Screenshots from BB Gandanghari (FB)

Umani ng iba't ibang reaksiyon sa publiko ang latest social media post ni BB Gandanghari matapos niyang ibida sa isang video ang isang lalaking kasa-kasama niya habang naglalakad sa isang beach sa Iloilo.

Sa kaniyang Facebook post noong Hunyo 4, makikita sa video ni BB ang paglalakad nila habang nakatalikod ng isang unidentified young man sa isang dalampasigan.

May caption itong "Bawat nilalang ay may kani kaniyang kwento…. [two hearts emoji].

"Paano at bakit [heart exclamation emoji]."

May background music ang video na "Paint Your Own World" na kinanta ng The Noteline.

Relasyon at Hiwalayan

Jillian Ward, ayaw ipangalandakan ang lovelife

Hindi naman tinukoy ni BB kung sino at ano sa buhay niya ang nabanggit na lalaki.

Sa bandang 1:32 time stamp ng video, dito na mismo makikita ang mukha ng nabanggit na lalaki, habang nasa bintana sila ng isang bahay-kubo ni BB at tumatanaw-tanaw sa scenery.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na mababasa sa comment section ng post.

"Ilonggo gale Ang nagoatibok sa puso ni Bb"

"kaya namn pala ang tagal nya dito ha. before manggahan andito na yan sa iloilo… di pa nka uwi? enjoy your stay Bb in the city of love. you’re always welcome here."

"Havulan sa dalamfasigan!"

"Bat ako kinikilig habang pinapanood kayo mi."

"Beauty and brain. Elegant, humble, matangkad and simple. BBGandanghari."

"You really enjoyed our place…. Thank you for featuring the city of love."

Batay naman sa mga netizen, tinukoy nila ang nabanggit na lalaki na si "Richmond Espinal."

Kung titingnan ang mga detalyeng nakalagay sa Facebook profile ni Richmond, mababasang isa siyang "digital creator" at "freelance model."

Ibinahagi pa nga niya ang isang entertainment Facebook page na nag-report tungkol dito.

"HAHAHA aliww," saad niya sa caption ng repost niya.

Photo courtesy: Screenshot from Richmond Espinal /FB

Samantala, hindi naman nag-react, nagkomento, o nagkumpirma si BB kung ano nga ba ang real score sa pagitan nila ng kasama niya sa video.