June 06, 2026

Home BALITA National

DepEd, pinabulaanang suspended ang 'back to school' sa Hunyo 8

DepEd, pinabulaanang suspended ang 'back to school' sa Hunyo 8
Photo courtesy: DepEd (FB)

Pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) ang mga kumakalat na post sa social media na nagsasabing suspendido ang klase sa darating na Lunes, Hunyo 8. 

“Ka-DepEd, fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa umano’y suspensyon ng klase sa unang araw ng pasukan sa June 8,” saad ng DepEd sa kanilang pahayag nitong Sabado, Hunyo 6. 

Dahil dito, ipinaalala nila sa publiko na maging mapanuri sa mga impormasyon na mababasa nila online at iwasang i-follow ang mga page na nagpapakalat ng maling impormasyon, gayundin ang maagap na pag-rereport nito. 

Anila pa, para sa latest update sa sektor ng edukasyon, sumangguni lamang sa opisyal na DepEd Philippines social media accounts. 

Sa kaugnay na ulat, matatandaang naglabas ng hiwalay na pahayag ang DepEd hinggil sa “No Collection Policy” sa mga paaralan na nagbabawal sa sapilitang paghingi ng kontribusyon mula sa mga magulang, guro, mag-aaral, o stakeholders ng school community sa Brigada Eskwela bilang parte ng paghahanda sa darating na pasukan.

National

Senado, pormal na magpapaalam pa lang kay PBBM ng special session—Sen. Win

MAKI-BALITA: DepEd, mariing kinondena pag-aabono sa Brigada Eskwela