June 05, 2026

Home BALITA National

DepEd, mariing kinondena pag-aabono sa Brigada Eskwela

DepEd, mariing kinondena pag-aabono sa Brigada Eskwela
Photo courtesy: Sonny Angara (FB)

Mariing ipinaalala ng Department of Education (DepEd) sa publiko na hindi obligadong mag-abono ang mga guro, mag-aaral, at magulang sa Brigada Eskwela bilang paghahanda ng mga paaralan sa darating na pasukan. 

Ayon sa inilabas na pahayag ng DepEd nitong Biyernes, Hunyo 5, binanggit nila na mahigpit nilang ipinatutupad ang “No Collection Policy” o polisiyang nagbabawal sa sapilitang paghingi ng kontribusyon mula sa mga magulang, guro, mag-aaral, o stakeholders ng school community. 

Sa kasalukuyan, tiniyak ng DepEd ng patuloy nilang pinalalakas ang suporta sa mga paaralan sa pamamagitan ng School Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), na pinagsama-samang tulong mula sa iba pang mga ahensya, local government units (LGUs), partners, at volunteers. 

Anila, ang Brigada Eskwela ay hindi fundraising activity, bagkus, ito ay “whole-of-community” effort upang ihanda ang mga paaralan para sa mga papasok na mga mag-aaral. 

Sa kaugnay na ulat, ang Brigada Eskwela ngayong taon ay isinagawa ng maraming paaralan sa bansa simula Hunyo 1 hanggang 5, bago ang pasukan sa Hunyo 8. 

National

Brodkaster kay Marcoleta: 'You only want your truth, kung hindi, bayaran ang media?'

KAUGNAY NA BALITA: #BalitaExclusives: Mga paghahanda ng Tañong Integrated School sa darating na pasukan

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Dapat na bang buwagin ang Brigada Eskuwela?