Nasabat ng Bureau of Customs - Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) noong Huwebes, Hunyo 4, 2026, ang aabot sa halagang ₱13. 3 milyong hinihinalang Kush, isang variety ng marijuana, sa pasaherong nagmula pa sa Thailand.
Ayon sa inilabas na pahayag ng BOC-NAIA sa kanilang Facebook page noong Biyernes, Hunyo 5, sinabi nilang naganap sa NAIA Terminal 1 ang naturang operasyon sa pagkulimbat nila ng limpak-limpak na marijuana.
Anila, namataan ang Kush ng naturang pasahero sa kaniyang bagahe nang sumailalim ito sa X-ray examination at na-detech ng mga awtoridad ang kahina-hinalang imahe ng ilegal na gamot.
“The Filipino passenger arrived from Thailand, and during the X-ray examination of checked-in baggage, the X-ray Inspection Project (XIP) detected suspicious images indicative of organic substances, prompting further inspection,” saad nila.
Anang BOC-NAIA, nakolekta nila ang aabot sa 21 na medium-sized at 42 small-sized na pake-paketeng marijuana sa naturang bagahe at aabot daw ang bigat ng mga ito sa humigit-kumulang 8,910 grams o 8,91 kilo, at nagkakahalaga ng ₱13,365,000.
“A thorough physical examination of the luggage was immediately conducted. The inspection resulted in the discovery of 21 medium-sized packs, 42 small-sized packs, and two medium-sized containers containing dried leaves suspected to be marijuana ‘Kush.’ The items weighed approximately 8,910 grams with an estimated street value of ₱13,365,000,” paliwanag nila.
Pagpapatuloy ng BOC-NAIA, agad silang nakipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nagsagawa raw ang nabanggit ng ahensya ng pagpapa-amoy sa mga K9 sa pinangyarihan ng insidente para sa iba pang mga posibleng bagahe na nagtatago ng pake-paketeng Kush.
“The suspected contraband was subsequently turned over to PDEA for laboratory examination, further analysis, and case build-up,” ‘ika nila.
Samantala, pinuri naman ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang naging propesyunalismo at pagiging mapagmatyag ng mga opisyal na nagsulong ng operasyon.
Maki-Balita: PNP, walang nakikitang banta sa Araw ng Kalayaan
Maki-Balita: Larry Gadon, pinadalhan ng maleta; ‘Mary Grace Piattos’ ang laman!