Isa sa mga legal advice ni Akbayan Partylist Representative Atty. Chel Diokno sa orange fruit na si "Sharmaine," ay maaaring maging batayan ang pagpapalit ng pangalan kung ito ay "masyadong katawa-tawa, nakakahiya, o nagiging sanhi ng matinding diskriminasyon."
Ang orange fruit o mas kilala bilang "Sharmaine" ay karakter mula sa viral social media content ng content creator na si Baett.
Sa isang video ng mambabatas, sinabi niya ang dalawang dahilan na tinatanggap upang makapagpalit ng pangalan.
""May dalawang dahilan na tinatanggap. Una, kung ang pangalan mo ay masyadong katawa-tawa, nakakahiya, o nagiging sanhi ng matinding diskriminasyon," paliwanag ni Diokno. "Pangalawa, kung matagal mo nang ginagamit sa publiko ang pangalang 'Sharmaine' at dun ka nakilala ng lahat."
Maki-Balita: Rep. Chel Diokno, may legal advice para kay 'Sharmaine'
Sa palagay ng mambabatas, hindi naman katawa-tawa ang pangalang orange. Aniya, mas marami daw ang nagsasabi na mas katawa-tawa ang mangga.
"Ang tanong ngayon, katawa-tawa ba ang pangalang orange? Palagay ko hindi naman," saad niya. "Mas marami pa ngang nagsasabi na mas katawa-tawa ang mangga."
Dahil dito, maraming netizen ang nag-react patungkol sa "mangga."
"di naka ilag si sen you know who... HAHAHAHA"
"The shadeeee"
"Mas katawa-tawa ang mangga!"
"Winner yung last part po"
"Aray mo!!! Ang mangga"
"Katawa-tawa talaga yung mangga eh baka totoong ampon?"
"Hahaha may pasabog pala sa huli"