PINAGPIYESTAHAN sa social media nitong Lunes, July 15, ang magkasamang litrato nina Vice Ganda at Ion Perez kasama ang kani-kanilang mga ina. Ang mga nasabing larawan ay kuha sa bahay nina Ion sa Tarlac. Kasama rin sa larawan ang mga hinihinalang mga kamag-anak ni Ion, base sa apelyido ng netizens na nag-upload ng mga litrato nina Vice at Ion sa Facebook.

Vice, Ion at kanilang pamilya

Si Ion ay rumored boyfriend ni Vice, siya ay pang-11 sa 14 na magkakapatid. Nag-umpisang sumikat si Ion nang makilalang “Kuya Escort” sa Ms. Q and A segment ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, kung saan main host si Vice.

Sa mga nasabing in-upload na larawan, makikitang mainit ang naging pagtanggap kay Vice, na as usual, walang sawa rin itong nakipagkulitan sa mga taong dinatnan sa Tarlac.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bago pa mag-showbiz si Ion, isang jeepney driver ang kanyang ama, habang ang kanyang ina ay isang kakanin vendor.

Wala mang aminan o denial sa relasyong Vice-Ion, napapadalas naman ang pagbibigay ng pahiwatig ni Vice tungkol sa kanyang makulay na love life sa ngayon.

Sa live telecast ng It’s Showtime, noong June 21, sinabi ni Vice na “seven months” na sila ng hindi pinangalanan niyang karelasyon. Nag-umpisang maging usap-usapan na may relasyon ang dalawa unang buwan pa lamang ng taong 2019.

Matatandaang nang magbalik-trabaho si Vice matapos siyang magkasakit kamakailan, nagpahiwatig siyang kakilala at nakakalaro sa basketball ng kanyang unnamed boyfriend ang It’s Showtime co-host ng comedian na si Vhong Navarro.

-ADOR V. SALUTA