NAGTATANONG ang fans ni Miguel Tanfelix, akala raw nila kaya umalis sa Sunday Pinasaya si Miguel ay dahil magko-concentrate sa pag-aral, pero nabalitaan nilang pumunta pala ito sa Singapore para manood ng concert ng favorite niyang K-pop group na TWICE.

Miguel

Si Miguel pa ang nagbalita nito nang mag-post ng photo habang nasa Singapore siya at caption niya sa larawan, “Spent my weekend eating a lot of Biryanis, meeting new people, wandering the city of Singapore alone and having one of the best moments of my life while watching TWICELIGHTS’. This trip is surely one for the books. #MiguelWanders.”

Noong July 13 ang concert ng TWICE at kung nasa SPS pa si Miguel, araw ‘yun ng rehearsal nila sa show na umeere every Sunday. Gusto tuloy maniwala ng fans na may mas mabigat na rason kung bakit umalis si Miguel sa SPS at hindi lang dahil sa kanyang pag-aaral.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pati sa Sahaya ay hindi na masyadong napapanood si Miguel. Natatakot tuloy ang fans nito at fans nila ni Bianca Umali na pati sa teleserye ay umalis din ang binatang aktor at hindi na tapusin ang taping.

Anyway, sa July 24 na ang showing ng Family History nina Michael V. at Dawn Zulueta kung saan kasama sa cast sina Miguel at Bianca. Babawi ang dalawa sa kanilang fans dahil marami silang eksenang magkasama.

Umaasa rin ang fans ng BiGuel na makasama sila nina Michael V. at Dawn sa mall show sa Cebu this Friday, July 19 at sa San Fernando, Pampanga sa July 21. Si Michael V. din ang direktor at producer ng Family History under his Mic Test Entertainment at GMA Pictures.

-NITZ MIRALLES