Makaraang matalo si Filipino journeyman Ricky Sismundo sa puntos kay world rated Ruslan Mediyev ng Kazakhstan noong Linggo sa Carson, California, isang Pinoy boxer naman ang kakasa sa promosyon ng Golden Boy Promotions sa katauhan ni dating world rated super featherweight Recky Dulay na kakasa sa Amerikanong si Charles Huerta sa 8-round bout sa Hulyo 18 sa Fantasy Springs Casino, Indio, California sa United States.

dulay

Sumikat sa Amerika ang 25-anyos at tubong Catarman, Northen Samar na si Dulay nang patulugin niya sa 3rd round si dating WBA rated at walang talong Panamanian na si Jaime Arboleda noong Hulyo 15, 2017 sa The Forum, Inglewood, California.

Sa kanyang huling laban, natalo si Dulay via 3rd round stoppage kay world rated at undefeated Italian American na si Giovannie Mioletti kaya pagkakataon niyang makabawi sa laban kay Huerta na natalo rin sa pagsagupa kay world rated Josph Diaz via 10-round unanimous decision noong Pebrero 9, 2019 sa Fantasy Springs Casino sa Indio, California.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May record si Huerta na 20 panalo, 6 talo na may 12 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Dulay na may kartadang 11 panalo, 5 talo na may 8 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña