KINONTAK ko last Friday ang famed discoverer-mentor-business manager ni Manila Mayor Isko Moreno na si Daddie Wowie Roxas para hingan ng kuwento sa naging first encounter nila noong 1993 sa Tondo.

Daddy Wowie at Mayor Isko

Daddy Wowie at Mayor Isko

Para mailarawan sa mga mambabasa ang narating sa buhay ni Isko, bukod sa pagiging anak ng kargador at pagsisimulang maghanapbuhay bilang basurero, binalak ko sanang idetalye sa two-part series na sinulat ko ang first impression ng unang taga-showbiz na nakakita sa kanya.

Pero hindi simpleng kuwento lamang ng isang batang isinilang at namulat sa kahirapan ang buhay ni Isko Moreno. Isinilang siya sa Tondo, ang prehistoric seat of power ng mga naunang Pilipino. Descendants at mga “sariling tao” nina Lakandula at Rajah Soliman ang pinanggalingan niyang komunidad.

Singer Olivia Rodrigo at boyfie, spotted daw sa Intramuros?

Ang background na ito ang nasa likod ng utak ko nang buksan ko sa intimate interview sa kanya kung itinuturing ba niyang destiny ang pagiging public servant niya.

Anyway, hindi nakahabol sa deadline ang sagot ni Daddie Wowie sa inuusisa ko. Pero nakapanghihinayang kung hindi ito mababasa ng publiko, dahil napakaganda. Likas pa namang storyteller si Daddie Wowie, kaya maiisip mong tila kahapon lang naganap ang unang encounter nila ni Isko.

Naririto:

“Hi Dindo, so sorry sa late reply...“Namatay noon ang auntie ko sa Mabuhay, Tondo, Manila, sa kalsada ito nakaburol, kapitbahay nila si Isko. Last day ng lamay ako pumunta, 11:30 PM na nang makarating ako sa lamay kasi galing pa ako ng show sa Makati noon.

When I was still a TV dancer, may alalay ako noon na beke na naglalandi sa mga bagets. E, mukhang kabayo ang hitsura kaya napagtripan tuksuhin ng mga kaibigan ni Isko na noon nasa lamayan kasi nga last day at nakikikain. Libre kain kasi habang naglalaro sila ng baraha, ‘tapos lumapit sa akin ang alalay ko, tinutukso nga daw siyang kabayo sabay turo sa grupo ni Isko.

“Paglingon ko, nagtama ang mga mata namin ni Isko.

Nakita ko parang glow in the dark ang mukha niya, ang skinny pa niya noon, 27 ang waistline niya, may hitsura na kaya lang may mga tsismis sa balat, etc. ‘Tapos pinaabutan ko siya ng calling card. Till now ‘di ko pa rin alam kung bakit nga ba?

“Tapos the next day dumating sa office ko. He was wearing white t-shirt and maong jeans na Levi’s na gawa sa Quiapo, he-he-he and a brown shoes then nakita sa maliwanag ang mukha niya.

Sabi ko, parang ‘pag naayusan at tumaba ng konti parang guwapo. Then pinictorial ko siya, tinakpan ko ng makeup ang mga blemishes sa mukha niya. Nang makita ko ang result, ang guwapo niya sa picture, photogenic (puro head shot).

“’Tapos pina’audition ko sa That’s Entertainment for Batch 94. Sa awa ng Diyos natanggap naman. That time hawak ko ang Monday group as their choreographer for every Saturday competition kaya medyo... alam mo na, may connect kahit papaano.

“Nang makalusot si Isko puro lait ang inabot namin maraming inggit at lait pero ‘di ko sila pinansin, focused lang ako sa pag’manage sa kanya with the strong support of Kuya Germs (German Moreno), tuluy-tuloy lang kami and the rest is history.”

Heto na, pagkatapos ng chat namin ni Daddie kahapon, ang sabi niya: “Ha-ha-ha, ‘yan ang ayaw sa akin ni Isko, sobra kong daldal, ha-ha-ha.”Pasensiya na po, Mayor Isko, ako po ang nangulit.

-DINDO M. BALARES