Madali man para sa mga bulag at visually-impaired na matukoy ang halaga ng mga barya dahil sa sukat at kapal ng mga ito, mag-iiba na ang usapan kung perang papel na ang usapan.

BILLS

Kaugnay nito, inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno ang paglalabas ng mga perang papel na makakatulong para matukoy ng mga persons with disabilities (PWDs) ang halaga nito.

Ang mga pera na inaasahang ilalabas sa unang quarter ng 2020 ay magkakaroon ng special features, tulad ng tactile marks, na makatutulong sa mga bulag at visually-impaired para matukoy kung magkano ang halaga ng mga perang papel.

Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista

“The upgraded security thread and anti-copying and anti-scanning features will improve counterfeit deterrence,” sinabi ni Diokno sa paglulunsad noong nakaraang linggo ng new generation banknotes na may pirma niya.

“The incorporation of tactile marks is meant for the elderly and visually impaired and is part of our commitment to promote broad and convenient access to high-quality financial services to the Filipino people,” dagdag niya.

Ayon sa datos ng Department of Health (DoH), mahigit dalawang milyong Pilipino sa buong bansa ang bulag, o malabo ang paningin.

Noong 2017, nasa 332,150 Pinoy ang bulag, habang 2,179,733 naman ang may malabong paningin.

Mas marami pa ang inaasahang manlalabo ang paningin dahil sa katandaan, at kaugnay din ng pagdami ng kaso ng diabetes sa bansa.

-Beth Camia