MATATAKUTIN s a horror movies si Yam Concepcion, pero tinanggap niya ang role sa bagong ididirek ni Direk Yam Laranas dahil gusto niya ang istorya at karakter niya, bagamat hindi naman binanggit sa amin kung ano ito. Nagsimula na ang shooting ng pelikula nitong Hulyo 1, at makakasama ni Yam sina Mercedes Cabral at Michael de Mesa.

Direk Yam at Yam

“No info muna for now,” say sa amin ni Direk Yam.

Ang nasabing pelikula ay produced ng Viva Films at ALIUD Entertainment + ImaginePerSecond, ayon kay Direk Yam, na isa sa producers nito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

I n a l am n ami n s a direktor kung isasali niya ang ginagawa niyang horror movie sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019. Matatandaang napasama sa taunang film fest ang Aurora ni Anne Curtis noong 2018.

“Not really, pero we’ll see,” tipid na sagot ni Direk Yam.

Nakakuha naman kami ng impormasyon na sa Netflix at sa Amazon daw ipalalabas ang movie.

Samantala, hindi pa rin nakakawala si Yam sa karakter niyang Jade sa Halik. ‘Yun pa rin kasi ang tawag sa kanya ng karamihan nang dumalo siya sa opening ng isang jewelry shop sa Dubai, at naimbitahan din siyang mag-perform sa isang bar doon.

Umingay nang husto ang panga l an ni Yam nang gampanan niya ang karakter na Jade sa patok na teleseryeng Halik, kasama sina Sam Milby, Yen Santos at Jericho Rosales, mula sa RSB Unit.

-Reggee Bonoan