MAY tsansa pa ang running club, school teams at community group na makiisa sa ilalargang 7th Manila Bay Clean-Up Run sa linggo (Hulyo 7), sa pagtataguyod ng Manila Broadcasting Company.

Bukas pa ang pagpapatala sa Olympic Village outlet sa Robinson’s Forum, Festival Mall at Farmers Plaza, gayundin sa tanggapan ng MBC-DZRH sa Sotto St. CCP Complex sa Pasay City.

Nakataya ang medalya at papremyo sa kategoryang 3K, 5K, 10K at 21K division para sa men’s and women’s.

Ang naturang patakbo ay isang awareness and fund-raising program na nakatuon sa pagpapalaganap ng kalinisan sa ating kapaligiran, ilog, estero at karagatan.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Nagsimula ang programa noong 2009 kung saan sama-samang naglinis ang mga empleyado at volunteers ng MBC, establisiyemento sa kapaligiran ng Manila Bay, gayundin ang Land Bank.

Bahagi rin ang programa sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo sa pagkakatatag ng MBA flagship radio station DZRH – ang pinamatandang radio network sa Pilipinas.

Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan sa Runner’s Link sa mobile no. 0926-205-2787 o bukas ang Facebook page ng Manila Bay Clean-Up Run.