SA social media n a k i k i t a ang mga p o s t n i n a Janella Salvador at dating miyembro ng Boyband PH na si Markus Paterson na magkasama sa ilang lakad. Ayon p a s a isang netizen, spotted niyang ma g k a sama s i n a J a n e l l a at Markus sa i s a n g ma l l , pagpapatunay na magkasundo nga ang dalawa.

Janella at Markus

N o o n g m a g i n g usapan sa Tonight with Boy Abunda sina Janella at Markus, si King of Talk Boy Abunda mismo ang sumagot sa tanong ng n a s a b i n g netizen kung nagde-date n a nga ba si Janella at Markus?

Mula kay Kuya Boy, March pa lang daw ay usap-usapan na ang posibleng romansa sa pagitan nina Janella at Markus.

Tsika at Intriga

Davao Conyo, trending sa X: 'Di maganda 'yang pinagtatawanan ang may pinagdadaanan!'

“As early as March, fans have already speculated about a possible romance between Markus and Janella Salvador,” sabi ni Boy.

Dugtong pa ni batikang host, “Last week of May, they both posted photos of a trip to Japan.”

Hindi man daw magkasama sa mga posts nila sa social media, may mga detalyeng napansin ang fans na nagsasabing magkasama nga sina Janella at Markus sa nasabing trip.

“Fans were quick to point out details na ‘tila nagkukumpirmang magkasama sila,” ayon sa talk show host.

Unang detalye raw na napansin ng fans ay ang reflection ni Janella sa glass window sa tren kung saan kuha ang isang picture ni Markus.

Sa isang Instagram story naman ay makikita si Janella na inaakbayan ng isang braso na naka-leather jacket at may caption na, “I love this girl so much.” Ayon din sa fans, ang leather jacket na suot ni Markus sa isa niyang post ay kapareho ng leather jacket na napansin sa post ni Janella.

May mga tweet din na nagsasabing spotted si Janella na nagdi-dinner kasama ang family ni Markus.

Ano naman kaya ang masasabi ni Tito Boy sa mga espekulasyon na ito?

Wala naman daw masama, “They are both single, they both look good together. If they enjoy each other’s company, good for them, ‘wag na natin silang pangunahan,” ani Boy.

Pero mensahe ni Boy para kay Janella at Markus, “Janella and Markus, bukas ang TWBA para sa inyong mga kuwento or better yet, tara usap tayo.”

-Ador V. Saluta