LIBU-LIBONG congratulations and happy comments ang natanggap ni Angel Locsin matapos nilang kapwa kumpirmahin ni Neil Arce, sa kani-kanilang posts, ang kanilang engagement last Saturday, June 29.

Angel at Neil

Mga Kapamilya at mga kaibigan, even the fans of Angel ay masayang-masaya, dahil hindi na rin nga namang bumabata ang magandang actress, at matagal na rin silang magkakilala ni Neil, na mahigit isang taon na rin niyang karelasyon.

In fairness, masipag sumagot si Angel sa mga bumabati sa kanila ni Neil.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

At isa nga sa nag-congratulate sa aktres si Kathryn Bernardo: “OMG!! Congratulations ate!”

Sinagot agad ito ni Angel: “@bernardokath salamat, Kath! Susunod na ba kayo? Hehehe.”

Siyempre pa, ang tinutukoy ni Angel ay si Kathryn at ang boyfriend nitong si Daniel Padilla.

Seven years na rin ang relasyon nina Kath at Daniel, at kamakailan lang, pagkatapos ng shooting ni Kath para sa first movie team-up nila ni Alden Richards na Hello, Love, Goodbye sa Star Cinema, nagbakasyon sila ni Daniel sa Morocco, at ilang araw din silang nag-stay doon.

Gayunman, hindi na sinagot ni Kath ang tanong ni Angel. More than 9,000 na ang nag-like sa sagot ni Angel kay Kath, at almost 100 ang nag-reply kay Angel na sana nga raw ay magpakasal na rin sina Kath at Daniel. May nag-tag din si Mommy Min ni Kath, na payagan na raw magpakasal ang dalawa.

Daniel at Kathryn

Mukhang malabong payagang makasal na soon sina Kath at Daniel, dahil pareho pa silang bata. Kath is only 23 years old, at 24 naman si Daniel.

Hayaan na muna natin si Angel, dahil she’s already 34.

Sa ngayon ay naghahanda na si Angel ng kanilang wedding, at kumuha na rin siya ng wedding planner.

Ang latest news nga, isa sa magiging ninang nina Angel at Neil si Kris Aquino, na noon pa nagsabing gusto niyang maging ninang sa kasal ni Angel.

Congratulations, Angel and Neil!

-NORA V. CALDERON