FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa Balita kahapon tungkol sa ilang detalye sa nalalapit na pag-iisang dibdib nina Valerie Concepcion at ng non-showbiz boyfriend niyang si Francis Sunga.

Francis at Valerie

Bago kami sinagot ng aktres ay nagpasalamat muna siya sa magandang labas dito sa Balita.

Anyway, ayon kay Val ay garden wedding ang venue ng kasal malapit sa Tagaytay at may function room kung saan doon na rin gaganapin ang reception.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

“Si Patricia Santos Atelier po ang tatahi ng wedding gown ko, kay Francis, wala pa po kami tailor na nakakausap na gagawa ng suit niya. Ang hirap po kasi wala siya rito, kaya hindi pa rin siya nakakapagpasukat,” kuwento ni Valerie.

At ang honeymoon nila ay, “Euro trio po kami for 3 weeks. Ninongs and ninangs hindi pa po kumpleto, pero so far nag-yes na sina (mga kilalang personalidad sa showbiz at politics).”

Sinadya naming hindi muna banggitin ang mga ninong at ninang dahil malayo pa naman ang kasal.

“Opo, siguro in general na lang po na kilalang mga personalidad na po muna, he, he, he,” sabi rin ng aktres.

Matatagalan pa bago dumating si Francis sa Pilipinas dahil na rin sa trabaho nito bilang marshall sa Supreme Court sa Guam.

“Wala pa po date kung kailan darating si Francis para magpasukat, pero ang latest po ay September, 3 months before our wedding, e, magkausap na po sana sila ng tailor para aa suit niya. ‘Yung December wedding naman po, darating siya sa ‘Pinas by December 21 kasi birthday ko po ‘yun, then diretso na siya hanggang sa wedding day namin, December 28,” kuwento ni Val.

Dagdag pa, “Si Angel (Locsin), engaged na rin po, halos lahat ng nasa ‘Click’ (programa nila batch 3), nagpapakasal o kasal na po no? Tanda na po natin ha, ha, ha, ha.”

-REGGEE BONOAN