Patay ang bagong talagang administrator ng bayan ng San Mateo, Isabela matapos tambangan habang bumibiyahe sa Barangay Dagupan sa nasabing bayan.
Ayon kay Captain Frances Littaua, tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office, nagmamaneho si Napoleon Hernandez, 59, dating board member ng lalawigan, at taga-Bgy. San Marcos, San Mateo, kasama ang asawa nang paputukan ng ilang lalaking ang sinasakyan nitong Toyota Vios.
Pinaputukan ang biktima mula sa kaliwang bintana ng driver's side, at nasapul ito sa dibdib.
Naisugod pa sa San Mateo Multicare Hospital si Hernandez, ngunit binawian din ng buhay habang ginagamot.
Ligtas naman ang asawa ng biktima na na-trauma sa insidente.
Ayon sa pulisya, kagagaling lang umano ng biktima sa inauguration ni San Mateo Mayor Gregorio Alipio Pua nang mangyari ang insidente.
-LIEZLE BASA IÑIGO