AMUSED kami sa Q&A portion sa StarStruck7 Final 14 mediacon nang matanong ang 14 hopefuls contestants kung sino sa tatlong member ng Council, composed of Cherrie Gil, Jose Manalo, at Heart Evangelista ang kanilang kinatatakutan at nagpapakabog sa kanilang mga dibdib.
Out si Heart, at winners naman sina Ms Cherrie at Jose!
Sabi ng isa sa seven male hopefuls na si Abdul Rahman, “Si Ms. Cherie Gil. I fear her in a way na I wanna really impress her kasi I just think na gusto ko lang siyang i-impress in any way.”
“Ako po kay Kuya Jose,” sabi ni Jeremy Sabido. “Kasi parang tsina-challenge niya ako palagi every time nagpe-perform ako.”
“Lagi niyang kino-comment, ‘mag-improve ka pa’. Kaya natatakot ako kay Jose,” susog naman ni Abdul sa sinabi ni Jeremy.
Singit naman ni Jerick Dolormente, na sinasabing look-alike ni Alden Richards, “Hindi mo po kasi masabi kung paano magalit ang isang comedian.”
Kay Ms Cherie rin kinakabahan si Kim de Leon.
“Sa tingin ko po si Ms. Cherie. Precise po kasi siyang mag-comment and parang mas gusto ko pong i-challenge ang sarili ko. It’s a good thing din naman.”
Si Ms Cherie rin ang isinagot nina Allen Ansay at Lexi Gonzales, syokot din daw siya sa primere contravida.
Sina Gelo Agban at Shayne Sava ay kay Jose rin takot.
Eh, ‘di para silang nakakakita ng multo kapag nasa harap na nila sina Ms Cherrie at Jose, ganernn?
Well, kailangan din siguro ay may kinatatakutan ang isang tao para lalong ma-challenge sa daang gusto nilang tahakin. Yun na!
Niwey, hosts ng StarStruck7 ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes at ang unang Ultimate Female Survivor ng StarStruck na si Jennylyn Mercado.
Umeere ang StarStruck7 tuwing Sabado night after Daddy’s Gurl, at Linggo ng gabi, after ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
-MERCY LEJARDE