Mga Laro Ngayon Araneta Coliseum

4:30 pm San Miguel vs. Columbian Dyip

6:45 pm Ginebra vs. Alaska

Makaahon mula sa kinalalagyang lower half ng standings upang patuloy na buhayin ang tsansa nilang umabot sa playoff round ang tatangkain ng San Miguel Beer sa pagsabak nila kontra Columbian Dyip sa unang laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioner's Cup sa Araneta Coliseum.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Isa sa mga nasa buntot ngayon ng standings ang Beermen taglay ang barahang 2-4.

Huli silang natalo sa kamay ng Magnolia noong nakaraang Miyerkules, 82-118.

Justin Brownlee (PBA Images)
Justin Brownlee (PBA Images)

Ngunit sa kabila ng natamong malaking talo, nananatiling optimistiko ang Beermen sa kanilang tsansa.

"Kailangan lang naming bumawi at ipanalo yung last 5 games namin," pahayag ng league reigning 5-time MVP na si Junemar Fajardo.

"Our goal is to get to the top 6 at kaya pa naming ma-achieve yun.Kailangan lang naming mag-step-up lahat.Hindi pa naman tapos, hindi pa kami eliminated," dagdag nito.

Ganap na 4:30 ng hapon ang pagtutuos ng Beermen at ng Dyip na hangad namang umahon mula sa kinalalagyang buntot ng standings taglay ang isa pa lamang panalo sa pitong laro.

Samantala sa tampok na laban ganap na 6:45 ng gabi, maghihiwalay ng landas ang Barangay Ginebra at Alaska na kasalukuyang nasa ikalimang posisyon kasalo ng Phoenix taglay ang patas na barahang 4-4.

Mag-uunahang makabalik ng win column ang dalawang koponan na kapwa galing sa kabiguan sa nakaraan nilang laban, ang Kings sa kamay ng Fuel Masters,103-111 noong Biyernes at ang Aces sa kamay ng Beermen noong Hunyo 21, 107-119.