NA-MISS na ng kanyang mga fans ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, kaya ang lakas ng palakpakan at tilian nang dumating siya sa venue ng event niya as the brand ambassador of Kultura.

Marian

Bale first public appearance iyon ni Marian, since she gave birth sa second child nila ng husband na si Dingdong Dantes, si Jose Sixto Gracia Dantes, last April 16.

Ini-launch sa event ang bagong T-shirt collection ng apparel brand at ang muli niyang pagpirma ng contract with Kultura.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Sabi ng manager niyang si Rams David, dapat daw ay noon pa ito, kaya lang preggy na nga si Marian, kaya after niyang magsilang saka nila itinuloy ang pagre-renew ng contract sa kanya.

Kilalang advocate si Marian ng local products, kaya naman masaya siya nang muli siyang i-renew ng Kultura.

“Salamat sa Kultura for trusting me again,” sabi ni Marian, pagkatapos ng contract signing.

“Dapat lang i-open natin ang kaisipan ng mga tao sa gawang Pinoy, mga produktong Pinoy, dapat tangkilikin. I’m a proud Pinoy at proud sa mga gawang Pinoy.

“Katuwang po ako ng Kultura sa paggawa ng mga stylish na T-shirt at makikita ninyo dito ang mga bagay na gusto ko, like iyong design na jeepney, doon makikita ninyo na may flower, kasi mahilig ako sa flowers. Mayroon ding design ng local culture natin.”

Sa pamamagitan ng isang short fashion show, ipinakita ang iba’t ibang design ng T-shirts na ilo-launch sa SM Southmall Event Center sa July 2, at 3:00 pm, as Kultura showcases Marian Rivera T-shirt collection.

Meanwhile, sa kabila ng pagiging abala ni Marian sa muli niyang pagbabalik sa trabaho through her endorsements, abala rin ang aktres sa pag-aalaga sa dalawa nilang anak, at very rewarding daw iyon para sa kanya.

“Masaya ako doing mother’s duty, like iyong hatid-sundo ko si Ate Zia sa school dahil may classes na siya. Dala ko lagi si Ziggy.

“Ang bait-bait ni Ziggy, malakas dumede, hindi siya iyakin, hindi siya nagpapabuhat. Responsible ate naman si Zia. Kapag nagpapalit ako ng diaper ni Ziggy, siya ang kumukuha ng diaper na ipapalit, nagtatapon sa basurahan ng diaper na ginamit.

“Kapag may ginagawa ako, sinasabihan ko si Ate Zia na bantayan si Ziggy. Nakakatuwa, hindi niya iniiwanan si Ziggy, kinakantahan pa niya.”

Hindi pa sure si Marian kung kailan siya babalik sa trabaho niya sa GMA Network.

“Pinadalhan na nga ako ng sulat ng GMA na bumalik na nga raw ako, pero hindi ko pa maiwanan ang mga anak namin. Ayaw kong pagsisihan na wala ako sa tabi nila habang lumalaki sila.

“Pero siguro sa July, magte-taping na ako sa Tadhana at babalik na rin ako sa Sunday PinaSaya. Pero ang teleserye, hindi pa puwede, dahil may gagawin din si Dong. Hindi puwedeng sabay kaming wala sa bahay para sa mga anak namin.”

Si Marian ang fresh-fresh pa rin ng beauty, kahit may dalawa nang anak.

-NORA V. CALDERON