MASAYA ang launching at mediacon para sa napiling Final 14 ng original reality artista search ng GMA Network, ang StarStruck 7, na ginanap sa Studio 7 ng GMA Annex.

'StarStruck' Final 14

Mukhang nagustuhan ng media ang 14 hopefuls, dahil kahit mahaba na ang question-and-answer portion, nag-stay pa rin sila pagkatapos para kilalanin pa sila sa one-on-one interview.

Ang seven females ay sina Pamela Prinster, 18, ng Cavite; Angelic Guzman, 18, ng Laguna; Dani Porter, 17, ng Quezon City; Ella Cristofani, 18, ng Pateros; Shayne Sava, 17, ng Rizal; Lexi Gonzales, 19, ng Manila; at Rere Madrid, 18, taga-Marikina.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Ang seven males ay sina Abdul Raman, 16, ng Marikina; Karl Aquino, 19, ng Batangas; Kim de Leon, 19, ng Batangas; Jeremy Sabido, 21, ng Laguna; Gelo Alagban, 17, ng Iloilo; Jerick Dolormente, 20, ng Camarines Sur; at Allen Ansay, 16, ng Camarines Sur.

Lahat siyempre ay gustong mag-artista, pero sina Pamela at Rere ay gusto ring mag-join ng beauty contest. Parehong maganda at matangkad ang dalawa. Rere stands 5’9”, at si Pamela ay 5’7”.

Natuwa naman sa Filipino-Egyptian na si Abdul ang mga kausap niya, dahil mahusay siyang magsalita ng Filipino, kahit na mapagkakamalan siyang American dahil sa skin color niya.

Una siyang naging commercial model noong bata pa siya, tulad din ni Kim. Sa mga boys, si Kim daw ang kinatatakutan nilang makalaban dahil talented na ay charming pa ang binata. Biro tuloy ni Kim sa mga kasama, may galit daw ba sila sa kanya kaya siya ang pinili nila?

Simula na ng laban nila ngayong Sabado, June 29, at sa Sunday, June 30, na iba’t ibang artista tests ang pagdadaanan nila.

Muli rin silang haharap sa kinatatakutan nilang Council of Judges, na binubuo nina Heart Evangelista, Jose Manalo, at Ms Cherie Gil, na magbibigay ng 50% score, at ang kalahati ay manggagaling naman sa audience votes.

Kaya ang mga fans, puwede na silang iboto. Text Starstruck (space) name of finalist at i-send sa 4627. Puwede ring bumoto online via www.gmanetwork.com/starstruckvote.

Mapapanood ang StarStruck 7 tuwing Sabado, pagkatapos ng Daddy’s Gurl, at Sundays, pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.

-Nora V. Calderon