BIG break para sa Kapamilya actress na si Kim Molina ang kanyang bagong pelikula sa iWant na MOMOL Nights.

Maselan ang tema ng pelikula, dahil isang sensitibo at liberated na babae ang role ni Kim na ala-MOMOL (make-out make-out lang), o kaya’y malayang makipag-one-night stand sa gustong makipag-date sa kanya.

Para sa nasabing role, naging maingat naman si Kim, kasama ang kaniyang leading man na si Kit Thompson sa pagganap sa kanilang roles, lalo na’t may mga love scenes sila.

“For us kasi it’s a brave material. If we were not able to portray our roles properly, I think na baka magkaroon ng misconception—I think,” sabi ni Kim nang makapanayam.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“So kumbaga, our role here as actors is to show the people na kahit sort of may pagka-liberated na ang ating mga millennials, meron pa rin silang natututunan sa journey nila in life,” paliwanag ni Kim.

Gagampanan ni Kim ang karakter ni Peng, isang babae na sa unang pagkakataon ay susubukan ang MOMOL at one-night stand. Dahil kagagaling lang niya sa break-up mula sa isang long-term relationship, mabilis na na-in love ang karakter niya sa lalaking gagampanan ni Kit, bilang Marco, na walang balak na maging seryoso sa pakikipagrelasyon.

Bukod sa first leading role ni Kim ang MOMOL Nights, first time rin daw niyang gumanap sa mga intimate scenes.

“In fairness kay Kit, I told him it’s my first time, it’s my first lead, it’s my first bed scene,” kuwento ni Kim.

Sa mga hindi nakakaalam, karelasyon ni Kim ang Kapuso actor na si Jerald Napoles. Nilinaw naman ni Kim na sa mga ginawa nilang intimate scenes ni Kit ay wala raw siyang naramdamang pagseselos mula kay Jerald.

“Actually sinabi ko po sa kanya. Akala ko parang mag-ala boyfriend na reaction [siya], pero hindi. Kasi he’s also an actor. Tinulungan niya pa ako sa choices na puwede kong gawin, kasi mas ahead siya sa akin when it comes to acting.

“Sabi ko nga magselos ka naman, kahit konti. Maramdaman ko naman na magselos ka,” patawang sagot ni Kim.

-Ador V. Saluta