Inilabas na ng Department of Transportation (DOTr) ang link kung saan maaaring mag-apply ang mga estudyante para sa ID na gagamitin para makalibre ng sakay sa tatlong railway lines sa bansa, simula sa Lunes, Hulyo 1.

RIDE

Ayon sa DOTr, makikita ang application form para sa pagkuha ng free ride ID sa pag-access sa link na tinyurl.com/y66f8nr4.

Maaari rin namang kumuha ng ID sa mga Malasakit Centers na ilalagay ng DOTr sa mga istasyon ng mga magbibigay ng libreng sakay sa mga estudyante: ang Metro Rail Transit (MR)-Line 3, Light Rail Transit (LRT)-Line 2, at Philippine National Railways (PNR).

Internasyonal

Ipadedeport! Pinoy detainee, pinakawalan ng ICE matapos umano'y mapabayaan sa kulungan

Kinakailangan lamang umano ng ID photo, school ID at Certificate of Enrollment para makakuha ng free ride ID.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, libre lang ang pagkuha ng free ride ID, na gagawin nang permanente ng kagawaran.

Habang wala pa ng nasabing ID ang mga estudyante, sinabi ni Tugade na maaari munang gamitin sa ngayon ang valid school ID para makalibre ng sakay sa MRT, PNR, at LRT-2.

Ipatutupad ang libreng sakay sa mga piling oras sa umaga at hapon, mula Lunes hanggang Biyernes, maliban kung holiday.

Bukod dito, libre na rin ang terminal fee ng mga estudyante sa mga airpot na pag-aari at pinangangasiwaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), gayundin sa lahat ng pantalang pag-aari at pinatatakbo ng Philippine Ports Authority (PPA).

-Mary Ann Santiago