Dalawang umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napaslang matapos na makasagupa ng militar sa Caramoan, Camarines Sur, kaninang umaga.

ENGKUWENTRO

Sa report ng Armed Forces of the Philippines (AFP), hindi pa nakikilala ng tropa ng pamahalaan ang dalawang rebelde.

Binanggit ng militar, nagpapatrulya ang mga tauhan ng 83rd Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army (PA) nang makasagupa ang grupo ng mga rebelde sa Barangay Mampirao, dakong 6:00 ng umaga.

Probinsya

King Cobra na nasagasaan ng pick-up truck, pinatay at inulam ng ilang residente

Matapos ang ilang oras na sagupaan, umatras ang mga rebelde at inabandona ang dalawang kasamahang napatay sa engkuwentro.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang limang matataas na kalibre ng baril.

Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa panig ng gobyerno.

-Fer Taboy