ANG back-to-back concert sa October pala ang na-blind item ni Sharon Cuneta a few days ago. Walang binanggit na pangalan si Sharon nang unang i-post ang tungkol sa gagawing concert at ang sabi lang, mag-ipon ang balak manood.

Regine at Sharon

Nitong Martes, ginulat nina Sharon at Regine Velasquez ang followers nila sa Instagram (IG) nang mag-post sila ng litrato na magkasama. Wala pa ring ibinigay na detalye si Sharon at ang sabi lang, “Soon! #seeyouinoctober.”

Ganu’n din ang pinost ni Regine at dedma muna sila sa tanong ng kanilang followers kung kailan sa October at kung saan gaganapin ang concert.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

As expected, excited na ang fans sa pagsasama nina Sharon at Regine sa iisang concert. Maging mga celebrities ay excited na rin at marami ang napa-“OMG.”

Hintayin natin na ilabas ang detalye sa concert, gaya ng kung ano ang title, sino ang direktor at kung dalawa ba ang musical directors gaya ng mga naunang concert ni Regine ‘pag siya’y may kasama.

-Nitz Miralles