Hinamon ng Malakanyang ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghain ng impeachment complaint dahil sa pagkabigo ng punong ehekutibo na protektahan ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

TEST CASE

Sa pulong balitaan kahapon sa Malakanyang, binigyang-diin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na may karapatan angh mga kritiko ng pangulo na maghain ng impeachment complaint.

Gayunman, sinabi nito na hindi pa rin mapipigilan ang pangulo na gawin ang mga hakbang na alam niyang nakabubuti sa Pilipinas.

Probinsya

Casualties sa nagpapatuloy na “search and rescue” sa MV Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 51

"Under the Constitution merong  provisions on impeachment. Kung naniniwala sila na may ginawa siyang impeachable ground, eh 'di mag-file sila. But you cannot stop the President from doing measures, steps that to his mind is the correct way to obey the constitutional command to him to protect and to serve the Filipino people,"  paglalahad ni Panelo.

Inilabas ni Panelo ang reaksyon bilang tugon sa pahayag ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na nagsabing ang naging pahayag ng pangulo sa usapin sa West Philippine Sea ay “ground for impeachment” dahil nilabag aniya nito (Duterte) Konstitusyon nang mabigong protektahan ang EEZ.

Gayunman, ipinagtanggol ni Panelo ang pangulo at sinabing wala silang nakikitang mali sa pakikipagkasundo ng pangulo kay Xi dahil para naman ito sa pakinabang ng mga mangingisdang Pinoy.

"Yung ginawa ni Presidente more on ano 'yan eh, more on avoiding dangerous situations that will affect millions of Filipinos.

Wala naman siyang ginawa na masama doon. Nakababuti nga 'yon ngayon nakaka-fish ‘yung mga fisherman natin doon sa mga areas na dati ayaw nila,” sabi nito.

"Ano ba ang unconstitutional doon sa napag-usapan nila na 'wag magkagulo doon sa isang lugar? Kasi tandaan niyo, this is a disputed territory. Mabuti sana kung hindi,” pagpapatuloy pa

Ipinahayag naman ni Senate President Vicente Sotto III na magsisilbing “test case” ang nasabing impeachment complaint upang madetermina kung totoong nalabag ang Konstitusyon.

"It would be a very good test case. I suggest that they file an impeachment and see if they are right," the Senate leader said.

Matatandaang nagbabala ang ilang political analyst na maaaring maharap ang pangulo sa nasabing reklamo nang ihayag nito na maaaring mangisda ang mga Chinese sa EEZ dahil umano sa “pagkakaibigan” ng China at Pilipinas.

Ipinunto ng mga ito ang ruling

Ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa arbitration case laban sa China noong 2016  kung saan binanggit na ang Pilipinas ang may karapatan o exclusive rights sa mga resources sa nabanggit na lugar.

-Argyll Cyrus Geducos at Vanne Elaine P. Terrazola