July 29, 2026

Home BALITA National

Facebook, nangungunang ‘source’ ng impormasyon sa bansa–Pulse Asia

Facebook, nangungunang ‘source’ ng impormasyon sa bansa–Pulse Asia
Photo courtesy: Unsplash

Lumabas sa resulta ng isinagawang survey ng Pulse Asia noong Lunes, Hulyo 27, na ang social media platform na Facebook ang nangungunang “source” ng impormasyon sa Pilipinas. 

Ang nationwide survey na ito ay isinagawa mula noong Hunyo 28 hanggang Hulyo 3, sa pamamagitan ng face-to-face interview. 

Batay din ito sa sample ng 2,400 katao na mula sa edad 18 pataas. 

Sa naturang survey, lumabas na 91% ng internet users ay Facebook ang pinagkukuhanan ng impormasyon. 

Sinundan ito ng YouTube sa 61%; TikTok sa 21%; Vlogs sa 9%; iba’t ibang news websites sa 5%; Instagram sa 4%; at X o Twitter sa 2%. 

National

MVP pag inalis ang system loss charges: 'It is not a small matter, who's going to pay for that?'

May mangilan-ngilan namang bumubuo sa 3% na hindi nagbabasa, nakikinig, o nanonood ng balita online.

PAGKALAT NG FAKE NEWS

Ayon pa sa nasabing pag-aaral, 72% ng mga Pinoy ang naniniwalang malaking problema ang pagkalat ng disinformation o “fake news” sa bansa.

Mula sa bilang na ito, 56% ang naitalang kumakalap ng karagdagang impormasyon mula sa iba pang source upang iberepika ang unang nabasang istorya. 

Naitala namang 19% ng mga Pinoy ang naniniwala sa impormasyong sinasang-ayunan ng maraming tao; 14% ang agad na naniniwala sa unang impormasyon na nabasa nila; at 11% ang naniniwalang palaging may dalawang panig ang istoryang nabasa. 

PANINIWALA SA IMPORMASYONG NAKALAP

Binanggit din ng Pulse Asia na 35% ng mga Pinoy ang nagbabase sa kanilang “source” upang paniwalaan ang impormasyong nakalap online. 

May bilang pang  33% ang nakabatay sa kanilang personal na paniniwala; 9% mula sa bilang ng shares at likes; 9% din mula sa opinyon ng mga kaanak o mga kaibigan; 7% mula sa opinyon ng pinagkakatiwalaang politiko; 5% mula sa opinyon ng  isang pinagkakatiwalaang personalidad sa pampribadong sektor, at 2% mula sa isang sikat na artista o influencer.