ISA kami sa nakapanood ng latest music video ni Madonna na I Rise kung saan kasama sa naitampok ay ang CEO ng Rappler na si Maria Ressa.

Maria Ressa at Madonna

Dalawang beses ipinakita si Maria Ressa sa video, isa ay ‘yung sa press conference niya at noong hinuli siya at nakaposas.

Sari-saring komento ang nabasa namin sa pagkasama ni Maria Ressa sa video at may isang nag-comment na dilawan daw si Madonna.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Wala pang nakakapag-interview kay Maria Ressa tungkol sa pagkasali niya sa I Rise video na tungkol sa pakikipaglaban sa mga karapatan at pagkakapantay-pantay, pero may comment siya rito.

“Madonna and me? Wow! That’s cool! I watched the video. I think it’s interesting to see what’s happening globally, right?”

Parang documentary ang music video dahil tampok dito ang madalas na nababalita sa news gaya ng gun violence, issues sa karapatan ng LGBT, press freedom at iba pa.

Nitz Miralles