GALIT ang ilang AlDub fans sa daddy ni Alden Richards dahil sa tweet na, “This is the truth. Wala po akong manugang, walang apo, walang kasal na naganap. Please po. Stop it. Please. Thank you.”

IMG_2660 copy

Ang pahayag ay paglilinaw ni Richard Faulkerson Sr. sa patuloy na kumakalat na kuwentong ikinasal sina Alden at Maine Mendoza at may anak daw silang lalaki.

Hindi matapos-tapos ang kuwento at nakakaloka dahil nakikita namang tuluy-tuloy ang sighting kina Maine at sa boyfriend niyang si Arjo Atayde.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

May tsika pa ngang nagsasama raw ang dalawa sa isang condo na pagmamay-ari ni Alden at may mga fans daw na nakakakita sa dalawa. Pero hindi naman nila mabanggit kung ano at saang condo ang tinutukoy.

May nabasa pa nga akong tsika na namimili ng gamit sa bahay sina Alden at Maine dahil nagpapagawa ang dalawa. Pero walang makapagpakita ng sinasabi nga nilang “resibo.”

Anyway, marami nga ang nagalit sa ama ni Alden at tinawag pang sinungaling. Ang mga nag-aakusa ay hindi naman kasama sa bahay nina Alden at hindi nila alam ang totoong nangyayari sa loob ng bahay ng mga Faulkerson.

May nag-akusa pang parte ng promo ng Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye ang ginawa ni Mr. Faulkerson. Paanong promotion ‘yun kung marami ang nagalit at nag-announce pang ibo-boycott ang nasabing pelikula?

Sabagay, sanay nang ma-boycott si Alden ng sariling fans. Ilang projects na ba nito ang binoykot ng kanyang fans, awa ng Diyos, masigla pa rin ang career ni Alden.

Samantala, kahapon, nagkaroon ng Facebook Live interaction sa fans sina Alden at Kathryn Bernardo para i-promote ang kanilang pelikula na showing sa July 31, sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina. Kung may mga magbo-boycott, mas marami ang manonood sa Hello, Love, Goodbye.

Nasa ABS-CBN nga kahapon si Alden hindi lang para sa FB Live, dahil nagkaroon din sila ng digital at video plug shoot. Sinalubong siya ni Kathryn sa ABS-CBN at sabi ni Alden, “medyo surreal na nandito ako sa ABS.”

Mapapanood sa video ang warm welcome kay Alden ng mga taga-ABS-CBN, mahigpit siyang niyakap ni Ms. Olive Lamasan at ipinakilala kina ABS-CBN Chairman Mark Lopez at President/CEO Carlo Katigbak.

-Nitz Miralles