NAGKATAON, nagkatagpo si Yours Truly at ang aktor na si Mark Anthony Fernandez, sa Viva office last week. Walang sinayang na pagkakataon ang inyong lingkod at agad-agad akong humingi ng permiso kung puwede siyang ma-interview, at malugod naman siyang nagpaunlak.

Mark at Aga

Kinumusta ko muna siya after niyang makulong noon sa Pampanga, na naging malaking isyu sa showbiz world dahil nga nahulihan siya ng marijuana sa kotse sa kasagsagan ng pagpapatupad ng drug war ng gobyerno.

Sinabi ni Mark na maayos ang lagay niya ngayon, pati ng kanyang kalusugan, at nagpasalamat sa mga nagdasal noon para sa kanya, matapos ang insidente.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ano na ang pinagkakaabalahan niya sa ngayon?“Bale katatapos ko lang po mag-guest sa Ang Probinsyano, at maganda naman po ‘yung naging feedback sa guesting ko dun,” kuwento ni Mark.

“Ngayon po, gagawa po ako ng pelikulang Mytical Cell Number 7 under Viva Films. Ang bida po dito ay si Aga Muhlach. Ako naman po ‘yung supporting dito.”

Under contract ba siya sa Viva Films Productions now?

“Yes po. Forever, dito sa Viva Films.”

Kinumusta rin namin kay Mark ang anak niyang si Grae Fernandez, na nag-aartista na rin, at ipinagmalaki niyang isa ang kanyang anak sa tatlong bida sa Hiwaga ng Kambat series sa ABS-CBN.

Sa kanyang part, sinabi ni Mark na may upcoming serye siya.

“May upcoming soap po ako na gagawin, pero hindi ko pa po puwedeng i-reveal. Basta coming na po ‘yun. Antabayanan n’yo na lang po. Pero sure ball na po na gagawin ko ay ‘yung movie na Mytical Cell Number 7.”

Nakasama ba niya o nakaeksena sa FPJ’s Ang Probinsyano si Manoy Eddie Garcia?

“Nagkita lang po kami sa set. And yes, I’m so sad na nawalan na naman tayo ng isang legendary icon sa showbiz world natin. Mami-miss natin si Tito Eddie na napakabait at napakagaling na artista. Mami-miss natin siya on and off screen.

Nagbigay din si Mark ng mensahe para kay Manoy Eddie, na pumanaw nitong Huwebes.

“Tito Eddie, kung nasaan po kayo ngayon, sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. God bless you po. Rest in peace. Pakisabi kay Papa God, mahal na mahal namin siya.”

Ano naman ang mensahe ni Mark sa kanyang mga fans na nasasabik sa muli niyang pagbabalik sa showbiz world?

“Binabati ko po kayo, lagi na maging maganda ang bawat buhay natin, at lagi nyo pong aantabayanan ang mga gagawin kong proyekto soon.

“Suportahan n’yo po sana ako sa anumang proyektong gagawin ko, at sana po magustuhan n’yo. Pipilitin ko po or ng mga co-stars ko na lagi kayong nakangiti pag-uwi galing sa sinehan or kahit pagkapanood man lang sa amin mga gagawin namin serye or soap sa TV.”

Well, Mark Anthony Fernandez, here’s wishing you magandang buhay at more movie and TV projects sooner than soon!

-MERCY LEJARDE