Tinatayang aabot sa P160 milyong halaga ng umano’y pekeng sigarilyo at iba pang smuggled goods ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) sa mga bodega sa Bulacan, kamakailan.
Aabot sa 1,339 master cases ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P40.170 milyon ang nasamsam ng BoC at Philippine National Police (PNP) sa isang bodega sa Benedicto Street, Prenza Uno, Marilao, Bulacan.
Ang kontrabado ay naglalaman ng mga pekeng sigarilyong Belmont, Camel, Double Happiness, Fortune, Hope, Marlboro, Modern, at Mighty.
Nasabat din ng mga ito ang 9 na makinang ginagamit sa paggawa ng sigarilyo, pekeng cigarette tax stamps na nagkakahalaga ng P120 milyon sa isang bodega sa Kaybanto, Caysio Road sa Sta. Maria, Bulacan.
Ipinatupad ang warrants of seizure and detention (WSD) sa naturang mga kontrabando dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
-Jun Fabon