TIME out muna si Kris Aquino sa pagbabasa ng libro, dahil napunta naman ang attention niya ngayon sa panonood sa Netflix.

Kris copy

Nauna niyang pinanood ang pelikulang Always Me My Maybe, na ipinalabas sa Amerika nitong Mayo 29.

Ipinost ni Kris ang poster ng pelikula nina Randall Park at Ali Wong. Caption niya: “Have you seen it? Bimb was laughing at me because I was crying at this scene that had ‘Marcus’ going to the Tom Ford boutique.

Tsika at Intriga

'Ate Girl' Jackie Gonzaga, naloka; buntis daw, si Ion Perez ang ama?

“Anyway it gave me an idea, I’m a Gen X mama w/ a Gen Z son, millennial nephews & nieces, & baby boomer siblings that’s 4 very distinct age groups in 1 family- and we’re going to start reviewing stuff we watch (you never know, baka pati si brother ma convince ko to join, okay, hindi ako, Kuya Josh will ask) because we see things based on different life stages & experiences.

“Made me ask if I had an ‘always be my maybe’. Do you have one? Share your story and I’ll share mine. #promise #unedited.”

Hayan, mag-share na kayo, guys, at baka mapaamin na si Kris tungkol sa nagpapasaya sa kanya, kahit hindi niya physically kasama.

Bukod sa Always Be My Maybe ay napagbalingan na rin ng Queen of Social Media ang K-Drama. Kung sakaling nakilala ni Kris si Park Bo Gum ay malamang isa siya sa nanood sa SM MOA nitong Sabado, at ang balita namin ay ang galing at ganda ng show.

Sa latest post ni Kris, sinabi niyang pinanood niya lately ang iba’t ibang K-Drama, tulad ng Sky Castle, Man to Man, Well Intended Love, at Birth of a Beauty.

Samantala, kahapon ay umalis si Kris patungo sa isang lugar kung saan siya makakasagap ng sariwang hangin, base na rin sa payo ng doktor na kailangan niya ng wellness retreat.

-REGGEE BONOAN