SA Sabado night episode ng Idol Philippines ng ABS-CBN ay wagas ang ipinakitang performance ng sampung natitirang female hopefuls sa harap ng mga Idol judges na sina Regine Velasquez, Vice Ganda, Moira dela Torre, at James Reid.

Sheland Faelnar at Fatima Louise

Bawat isa sa kanila were given freedom para mamili ng kanilang kakantahin for the Solo round.

Eventually, at the end of the said Idol episode, anim na babaeng hopefuls made it to the Top 12.

Tsika at Intriga

'My face card at 9 years old!' Andrea flinex throwback pics noong 'nene' pa

At isa na rito si Fatima Louise, 18 years old, na humataw ng isang Michael Bublé hit song na Feeling Good sa Solo round.

Napanganga niya tuloy si James, na natutuwang nagkomento, “This is the best performance I’ve seen so far.”

Sabi naman ni Regine, “You belong here. Congratulations. Keep it up.”

Tapos umani pa ng standing ovation itong si Fatima from three Idol judges na sina Vice, James, at Moira.

Ang isa pa sa anim na female hopefuls ay si Sheland Faelnar, pero bago siya nag-perform, napansin na agad ni Regine na tipong may hawig siya sa real life sweetheart ni James na si Nadine Lustre.

“Can I just say something? Bakit tonight ang feeling ko, kamukha niya si Nadine?”

Matamis na ngiti naman ang naging tugon ni Sheland, at umaming fan siya ni James.

Ang apat pang Idol Philippines hopefuls na nakapasa sa panlasa ng mga hurado last Sabado night ay sina Elle Ocampo, na umawit ng Ride by Twenty One Pilots; Zephanie Dimaranan, na bumirit naman ng I Believe ni Fantasia Barrino; Rachel May Libres, na kumanta ng Maybe This Time version ni Sarah Geronimo; at si Trish Bonilla, na bumirit naman ng kantang One Night Only by Jennifer Hudson.

Well, congratulations, girls, and good luck to all of you!

-MERCY LEJARDE