Dalawang naaagnas na binti ng lalaking chop-chop victim ang natagpuan sa Barangay Maliwalo, Tarlac City, nitong Linggo ng hapon.

CHOP-CHOP

Ayon kay Police Staff Sgt. Benjamin Carreon, Jr., ang dalawang binti ay nakabalot ng plastic bag, nang matagpuan ng mga tauhan ng K-9 Battalion ng Northern Luzon Command (Nolcom) sa Masalasa Creek, Camellas Bridge, Zone 1.

Kinukumpirma pa rin ng mga awtoridad kung bahagi ito ng katawan ng isang residente sa lugar na naiulat na nawawala nitong Mayo 8.

National

German, tiklo; nagpuslit ng higit ₱55M halaga ng shabu, itinago sa mga Bibliya!

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang responsable sa nasabing kaso.

-Leandro Alborote