Kasunod ng “tragic passing” ni Eddie Garcia, nanawagan ang Directors’ Guild of the Philippines o DGPI ng pagpapatupad ng “safety protocols” sa set ng mga taping ng teleserye at shooting ng pelikula.

EDDIE

Pumanaw ang 90-anyos na aktor nitong Huwebes ng hapon, 12 araw makaraang ma-comatose dahil sa aksidente sa taping ng Kapuso teleserye na Rosang Agimat, sa Tondo, Maynila, nitong Hunyo 8.

Ayon sa official statement ng DGPI: “Through his outstanding and prolific body of work, Eddie Garcia is forever etched in the history of Philippine cinema as one of its greatest actors. As well, his masterful contributions as a filmmaker remain provocative, as seen in such film classics as Atsay (1976), Magdusa Ka (1986), and Imortal (1989.)

Vivamax stars, Si Alden Richards bet maka-date, bakit kaya?

“His was a long ang inspiring career, whose greatness never waned, even as he generously contributed to the national film culture as an actor right up to the age of 90. An iconic giant who will continue to influence generations of actors and filmmakers to come, Eddie Garcia and his immortal legacy shall be missed.

“His tragic passing is a sad and urgent reminder to the film and television industries that safety protocols at work and on the set are of paramount importance.

“The DGPI mourns the passing of a great artist and extends its deepest condolences to the family of Eddie Garcia.”

Una nang naglabas ng pahayag ng pakikiramay ang GMA Network sa pagpanaw ni Manoy Eddie.

Ngayong Biyernes ng madaling araw, na-cremate na si Manoy Eddie, at ang kanyang ashes ay nasa isang green urn.

Sa Facebook post ng stepson ni Manoy Eddie Garcia na si Congressman Mikee Romero, sinabi niyang binigyan ng standing ovation ang premyadong actor-director ng kanyang pamilya at mga kaibigan bago i-cremate.

Binanggit din niyang nagbigay din ng eulogy ang malalapit na kaibigan ni Manoy Eddie na sina Bibeth Orteza, Tirso Cruz III, at Phillip Salvador.

Ang viewing sa ashes ng veteran actor ay nagsimula ngayong Biyernes at hanggang Sunday lang, dahil una nang nagbilin si Manoy na ayaw niya nang matagal na lamay.

-Nitz Miralles