Mga Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

4:30 n.h. -- TNT vs Columbian Dyip

7:00 n.g. -- San Miguel vs Alaska

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

IKALIMANG sunod na panalo na maglalagay sa kanila sa solong pamumuno ang pupuntiryahin ng TNT sa pagsagupa nito sa Columbian Dyip ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome.

Huling ginapi ng Katropa sa pangunguna ng ipinagmamalaki nilang import na si Terrence Jones ang Meralco noong nakaraang Sabado, 104-91.

Kasalukuyan silang kasalo ng Northport sa liderato taglay ang barahang 6-1, panalo-talo.

Nagtala si Jones ng 49 puntos, 18 rebounds at 4 assists sa nakaraang panalo nila kontra Bolts.

Umaasa si coach Bong Ravena na mapanatili ni Jones ang mataas nitong produksiyon ngunit iginiit nitong dapat pa ring mag step-up ng kanilang mga locals.

Sa kabilang dako, sisikapin naman ng Dyip na makabawi mula sa 103-110 na kabiguan noong Linggo sa Magnolia na nagbaba sa kanila sa markang 1-4.

Samantala sa tampok na laro, kapwa naman galing sa kabiguan mag-uunahang bumalik ng winning track ang magkatunggaling San Miguel Beer at Alaska sa kanilang pagtutuos ganap na 7:00 ng gabi.

Tatangkain ng Aces(4-3) na tumatag sa kinalalagyang ika-4 na puwesto habang hangad ng Beermen(1-3) na maitala ang ikalawang panalo.

Inaasahang mangunguna si import Charles Rhodes sa kanilang pagbawi matapos nitong manlumo sa kabiguang matulungan ang Beermen sa dulo ng nakaraan nilang laro.

“I’m just sorry to my teammates and my coaches. Like, I just feel like I let them down, so I’m really hurt about that,” ani Rhodes matapos mag fouled out mahigit dalawang mimuto ang nalalabi sa overtime period. “I just gotta go [review] the game and see what else I can do better.”

Sa kabila ng pagkabigo, naniniwala itong naibalik na ng Beermen ang dati nilang laro.

“We got our groove back and this is just gonna help us. This is just gonna help us get better.”

“Now we just gotta make a run. We gotta make a run and just prepare for the playoffs, and try to get prepared for the seeding.So every game from now on is very, very, very important.”

-Marivic Awitan