MORE than four months nang napapanood ang fantasy-drama na Kara Mia, ang magkapatid na may dalawang mukha sa isang katawan. Na-extend na ang serye pagkatapos ng one season at ilang araw na lamang ay magwawakas na ito.

Barbie at Mika copy

Si Barbie Forteza si Kara at si Mika dela Cruz si Mia. Parehong mahusay ang acting nila, lumabas na si Kara ang mabait at si Mia ang reklamador dahil wala siyang sariling katawan at hindi niya magawa ang gusto niyang gawin.

Kaya naman todo-abang na ang mga avid viewers ng serye sa papalapit na finale nito. Affected na ang mga televiewers dahil may kani-kanya silang gustong mabuhay sa magkapatid. Sa story, nagalit si Reynara (Ai Ai delas Alas) sa engkantong si Iswal (Mike Tan) at para mawala ang galit sa kanya, gusto ng reyna ng kagubatan na mag-alay ng buhay sa kanya. Kung dati ay puwede kahit kaninong buhay ang ialay sa kanya, gusto ngayon ni Reynara ay magmula ito sa isa sa mga anak ni Iswal, kina Kara o Mia. Pero ang may malakas na katauhan ang mabubuhay sa kanila at hindi sinabi ni Reynara kung sino sa magkapatid ang may mas malakas na pagkatao.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Pero dahil tuso si Iswal, gusto niyang ang anak na si Mia ang mabuhay, kaya gumawa sila ng paraan ni Mia para mawala sa landas nila si Kara. Pinuntahan nila si Kara at sinaksak ni Iswal si Kara.

Paano makaliligtas si Kara mula kina Iswal at Mia?

Isa pang tanong: Wala bang pagmamahal na namamagitan sa magkapatid? Maaatim kaya ni Mia na patayin ang kakambal na ilang taon siyang pinasan?

Hiling ng netizens, sana ay si Kara nalang ang mabuhay dahil siya ang mabait. Pero dahil ang Kara Mia ay isang fantaserye, magawa kayang magbago ni Mia at sa huli ay manatili silang parehong buhay?

Nakatakdang magwakas ang Kara Mia sa Biyernes, June 28, pagkatapos ng 24Oras.

Nang tanungin sina Barbie at Mia kung sinong mabubuhay sa mga karakter nila, tawa lang ang isinagot ng teen stars.

-NORA V. CALDERON