MATUTUNGHAYAN ang  husay ng mga musikerong Pinoy sa gaganaping 25th Fete de la Musique sa Makati City.

EBE DANCEL

EBE DANCEL

Ang dalawang araw na pagdiriwang ay tatampukan ng mga premyadong Pinoy nand, singers at songwrtiters sa 52 pocket venues.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Mapapanood sa A-Venue Main Stage ngayon ang Pinoy favorites Unique, Apartel, Ang Bandang Shirley, Dicta License, at ang pamosong si Ebe Dancel. Makakasama rin nila ang electronic music producer at multi-instrumentalist SAË, na itinuturing internationally renowed mual sa Paris para sa dalawang araw na Fete-stivities sa Manila.

Magbibigay din ng kasiyahan ang inihandang #GlobeFete Production Number, na tatampukan ni Francis de Veyra bilang musicaldirector at Daniel Darwin na siyang creative director. Ang multi-genre medley ng mga OPM classics ay pagbibigay parangal sa 25 taong pagdiriwanfg ng Fete de la Musique sa bansa, gayundin sa mga OPM artists tulad nina Abra, Bituin Escalante, Bayang Barrios, Barbie Almalbis, Cooky Chua, Jensen Gomez, Joey Ayala, Kat Agarrado, Ron Henley, Brass Pas PasPasPas at iba pa.

Magpapatuloy ang pagdiriwang ng Fete sa Hunyo 22 (Sabado) sa Greenbelt Main Stage at  52 pocket stages sa bupng Makati City. Mula rock ’n roll hanggang sa jazz, blues at funk, papailanlang asng musika para sa sambayanan.

Sa  Greenbelt Main Stage, tampok sina Dayaw , Pinkmen, CRWN x August Wahh, TodoPasa, She's Only Sixteen, The Ransom Collective, Project Yazz x Skarlet Brown, Hernandez Brothers x Quest, Ciudad, Autotelic at Urbandub.

Para maiparating ang Fete de la Musique sa mas maraming sector, nakipagtambalan ito sa Bizooku para ma-develop ang Fête PH app. Matutunghayan dito ang lagah ng nakatakdang programa gayundin ang mga venues at artists na magpe-perform.

Para sa kompeltong lineup ng mga performers sa pagdiriwang ngayong taon, i-download ang FetePH mobile App o bisitahin ang www.facebook.com/FetePH.