HINDI lang binati ni Sharon Cuneta si Cherie Gil na nanalong best supporting actress sa 42nd Gawad Urian, pinost pa ni Mega ang photo ni Cherie after the awards night habang hawak ang trophy.

Sharon at Cherie

“CONGRATULATIONS, dearest Cherie!!! This Urian win is LOOOOOONG OVERDUE! I love you and am so proud of you! See you soon! BUT MY TREAT!!! Miss you, PARTNER!”

Sinagot ni Cherie si Sharon ng, “My dearest dearest!!! Thank you love, Shawie!! Can’t wait...Let’s do this!! Love you mucho. Big tightest hug!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Isa ang friendship nina Sharon at Cherie na going strong pa rin magkita man sila o hindi. Madalas nga ay sa social media lang sila may communication. Pero ramdam pa rin ang closeness ng dalawa na nagkasama sa Viva Film movie na Bituing Walang Ningning na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan ng publiko.

Kailan nga kaya muling magsasama sa pelikula sina Sharon at Cherie? Marami ang nagre-request nito at sana, mabigyan sila ng project ng Viva Films o Star Cinema.

Anyway, sa ngayon ay sa StarStruck ng GMA-7 napapanood si Cherie bilang isa sa mga council member. Kaabang-abang ang paraan niya ng pag-judge sa mga StarStruck hopeful dahil laging may bigat at humor ang banat ng aktres. ‘Katuwa dahil minsan, pati kina Heart Evangelista at Jose Manalo na kapwa niya council niya ay may comment din si Cherie.

-NITZ MIRALLES