PAGKATAPOS ng mahabang post ni Kris Aquino sa pansamantala niyang pamamaalam sa social media, partikular sa Instagram at Facebook, nitong June 7 ay hindi na ulit nag-post ang aktres.

Kris

Ginawa ni Kris ang huling post niya habang nasa Singapore siya para sa ilang series of medical tests para sa kanyang autoimmune disease.

Matatandaang binanggit ni Kris noong June 7 na magpapaalam muna siya sa social media para bigyang pansin ang sakit at palakasin ang kanyang immune system. Makabubuti rin daw na maging “private citizen” muna siya habang sumasailalim sa gamutan.

Tsika at Intriga

'Ate Girl' Jackie Gonzaga, naloka; buntis daw, si Ion Perez ang ama?

Sa simula, may pagdududa ang ibang netizens sa desisyon ni Kris. Anila, hindi raw kakayanin ng actress/TV host ang mawala sa social media at hindi mag-post ng mga ganap sa buhay niya.

Pero pinatunayan ni Kris na totoo ang kanyang sinasabi. Napahiya ang bashers niya nang bigla na lang manahimik si Kris sa Facebook at Instagram.

Sa mga bumibista sa kanyang dating social media accounts ,hindi na ma-search ang kanyang pangalan. No user found na ang nakalagay sa Twitter at wala namang lumalabas na pangalan niya sa Facebook at Instagram.

Ang huling video naman na ipinost niya sa kanyang YouTube channel ay kuha pa noong birthday ng panganay niyang si Joshua.

Samantala, nakabalik na sa Pilipinas si Kris pagkatapos ng mga ginawang medical procedures sa kanya sa Singapore. Nauna nang bumalik sa bansa ang mga anak niyang sina Josh at Bimby noong isang linggo, at saka sumunod si Kris, kasama ang kanyang mga trusted na tao at staff niyang sina Bincai Luntayao at Alvin Gagui.

At dahil nagpahinga muna sa social media, hindi na rin mababasa ang kahit anong update sa resulta ng medical tests ni Kris at anumang update sa kanyang buhay.

Sabi ng isang malapit kay Kris, “Tuloy ang pag-inom ng mga gamot. Affected ng sakit ang sleeping pattern niya, so panay lang ang basa ng books.”

Hindi pa alam kung kailan ire-revive ni Kris ang kanyang social media accounts. Ang huling balita namin, palilipasin din niya ang “ghost month”—which is August—bago muling maging aktibo.

Ador V. Saluta