May 13, 2026

Home BALITA

'Malinis ang aking service record!' VP Sara, sinabon mga paratang sa kaniya

'Malinis ang aking service record!' VP Sara, sinabon mga paratang sa kaniya
Photo courtesy: MB file photo

Mariing pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte ang mga alegasyon laban sa kaniya at iginiit na wala siyang nilabag na batas at malinis ang kaniyang rekord sa serbisyo publiko.

Sa inilabas niyang pahayag nitong Miyerkules, Abril 23, 2026, tahasan niyang ipinagmalaki na malinis ang kaniyang pagtatrabaho sa publiko at dokumentado ang lahat umano ng kaniyang mga ari-arian.

“Simple lang ang sagot ko sa lahat ng paninira. Malinis ang aking service record; hindi ako kailanman nagkaroon ng kaso sa paggamit ng pondo ng bayan. Lahat ng aking ari-arian at pera ay idineklara ko sa aking SALN. Ang bawat sentimo ay mula sa lehitimong pinanggalingan at may kaukulang dokumento,” giit niya.

Kaugnay nito, binanatan din ni VP Sara si dating senador Antonio Trillanes IV na siyang pangunahing nag-aakusa sa mga pangungulimbat umano ng Pangalawang Pangulo.

“For nearly a decade, Mr. Antonio Trillanes IV has been peddling the same incredible story about alleged billions in bank accounts. From 2016 to 2026, nothing in his narrative has changed. What has changed, however, is the machinery now backing him,” ayon sa pahayag.

National

'Maghintay lang sila:' Sen. Bato, sumagot sa 5 senador na pinapasuko siya!

KAUGNAY NA BALITA: Higit ₱2B, laman ng sikretong joint bank accounts ng mag-amang FPRRD, VP Sara—Trillanes

Iginiit din niya na may mga makapangyarihang indibidwal at institusyon na umano’y sumusuporta sa naturang alegasyon laban sa kaniya.

“Today, he is backed by a sitting President who must be compelled to submit to a simple drug test; ‘law-bender’ members of the House of Representatives that have received ‘maletas’ and have repeatedly disregarded constitutional limits; a Commission on Audit that appears to time its issuances in a manner that conveniently aligns with political attacks; and newly-installed AMLC officials who remain silent and refuse to clarify that there have been no findings of violations of anti-money laundering laws, and the billions of peso in bank accounts are untrue,” dagdag pa niya.

MAKI-BALITA: Pamilya Duterte, tumanggap ng daan-daang milyon sa drug lord—Trillanes

Ayon pa kay Duterte, hindi rin umano nagkataon ang sunod-sunod na alegasyon at kaso laban sa kaniya, lalo na matapos siyang umalis sa Gabinete.

“Hindi rin maikakaila ang timing ng lahat ng ito. Ang sunod-sunod na alegasyon at kaso laban sa akin ay nagsimula matapos akong umalis sa Gabinete, sa panahong tumanggi akong pumirma sa isang pambansang budget na hindi ko kayang ipagtanggol sa taumbayan,” ani Duterte.

Sa ngayon, wala pang tugon ang kampo ni Trillanes kaugnay sa mga pahayag ng Bise Presidente.