Patay ang Grade 9 student nang pagtulungang saksakin ng limang umano’y naiinggit sa kanya sa Valenzuela City, nitong Lunes ng gabi.

INGGIT_ONLINE

Dead on the spot si Gio Lawrence Balajadia, 17, ng No. 26 Saint Jude Luis Francisco Subdivision, Barangay Viente Reales sa nasabing lungsod.

Arestado naman ang tatlo sa mga suspek na sina Benjamin Diaz, alyas Benjo, 18, ng Banga Encarnado, Campo, Meycauayan, Bulacan; Andrian Ulile, alyas Bugoy, nasa hustong gulang, ng Pantaleon Street, Bgy. Malanday, Valenzuela City; at alyas Jamjam, 14, na idiniretso sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Metro

Karagdagang bus at libreng sakay, ipatutupad kasabay ng transport strike

Tinutugis naman ng mga tauhan ni P/Col. Carlito M. Gaces ang dalawa pang suspek, na ang isa ay kinilalang si Russel Ranez.

Sa report, naganap ang pananaksak sa Bgy. Viente, Valenzuela City, dakong 7:20 ng gabi.

Palabas sa bahay si Balajadia at pagsapit sa kanto, nakaabang sa kanya ang mga suspek at pinagtulungang saksakin.

Kinasuhan ng murder ang mga suspek.

Orly L. Barcala