HINDI maiiwasang malungkot ng mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang AlDub Nation, nang lumabas ang isang eksena sa Hello, Love, Goodbye, ang first movie team-up nina Alden at Kathryn Bernardo for Star Cinema, na halos ang kabuuan ay kinuhanan sa Hong Kong.

Parehong eksena ni Alden sa 'IY&M' at 'HLG'

Ipinost din nila ang same scene sa Imagine You & Me, ang first movie team-up nina Alden at Maine, na kinunan naman sa Como, Italy in 2016.

Caption ng AlDub: “from Italy to Hong Kong.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Nalungkot ang ADN dahil right after the success ng showing ng Imagine You & Me, nangako ang direktor nitong si Mike Tuviera na susundan agad ang nasabing pelikula ng isa pang pagtatambalan nina Alden at Maine. In fact, pinag-training pa niya ang dalawa, dahil action-romance daw ang movie at kukunan din ito abroad.

Pero hindi nga iyon nagkaroon ng katuparan, at kapag tinatanong nila si Direk Mark, sinasabi nitong tuloy pa rin daw ang project. Kaya lang lumipas na nga ang tatlong taon, wala pang nangyayari.

Hangad ng mga fans ang success ng Hello, Love, Goodbye, dahil sabi nga, miss na nila si Alden na mapanood sa big screen. Masaya sila sa success ng teaser launch last June 14, na sinundan ng unboxing ng official poster at ang big reveal kung kailan talaga ang playdate nila, na ginanap sa TriNoma. Opening date nila sa July 31.

Marami nang nagtatanong ng mga fans abroad kung magkakaroon daw ito ng international screening. For sure, magkakaroon ito tulad din ng ibang pelikulang ginawa ng Star Cinema.

May balita ring hindi ang Hello, Love, Goodbye ang first movie na gagawin ni Alden sa Star Cinema. Totoo kayang may possibility rin ng team-up niya kay Sarah Geronimo? Abang-abang na lang tayo.

-NORA V. CALDERON